Sunday, February 17, 2013

TUBAS TALIAMBONG 2013




From the word Tubas or Harvest and Taliambong or the Arts comes Tubas Taliambong, the annual gathering of artists of South Cotabato celebrating grand spectacles, showcases and advancement for the arts. The three day activity shall include Workshops on Dance, Music and Theatre from February 20-22 from 9-5pm and free nightly performances at the Cultural Gym. An Arts and Cultural Summit shall also be held on February 21 at Fred Annes Restaurant at 8am. We invite all of you to join us. PLS CALL, the ACTS Office and SC Museum: 228-5978 / 228-3447 for reservations!

GENERAL SCHEDULE OF ACTIVITIES

Day 1 – February 20 - WORKSHOPS AND Free PERFORMANCES

8:00 – 9:00 Registration 
Preliminaries
• Doxology, National Anthem, So. Cot and Kor. Hymn/March
• Welcome/Opening Message
• Overview and Rationale of the Activities

9:00am – 4:00pm Simultaneous Workshops for Dance, 
Music and Theatre
7:00pm Evening Performance (FREE) 
• AST Productions & South Cotabato Chorale

Day 2 – February 21 - WORKSHOPS AND Free PERFORMANCES

8:00 – 12:00 NN Culture and Arts Summit Meeting
2:00pm – 5:00pm Simultaneous Workshops for Dance, 
Music and Theatre 
7:00pm - Evening Performances (FREE)
• Dance and Music (NGDC, Extreme Dancers, 
Ground Zero and NDMU Dance Sports Varsity) 

Day 3 – February 22 - WORKSHOPS/PERFORMANCES/CLOSING PROGRAM

9:00am – 4:00pm Simultaneous Workshops for Dance, 
Music and Theatre
7:00pm Evening Performances & Closing Ceremonies (FREE) 
• MEDAL KOLON DATAL, HINUGYAW AND SAMAHAN NG MGA MUSIKERO NG TIMOG KOTABATO

CLOSING CEREMONIES: 
• Giving of Tokens & Certificates 
• Closing Remarks – 
• Acknowledgement

workshop rates: 
5 - 7 + 1 Free workshops - 700 pesos
4 + 1 Free workshops - 600 pesos
3 + 1 Free workshops - 500 pesos
2 + 1 Free workshops - 400 pesos
1 + 1 Free workshops - 200 Pesos 

CALL ACTS OFFICE: 228-3447

Mal (Tarsier)


Ang tarsier sa Blaan ay pinangalanang Mal. Ang hayop na ito ay makikita kalimitan sa Tampakan sa Bong Mal at Tukay Mal. Ang mga pook na ito ay pinnagalanang mal dahil sa taglay nitong yamang hayop na mal o tarsier. Mayroong dalawang klase ng Tarsier, may mga malalaki at maliliit, ang malalaki na tarsier ay tinatawag sa Blaan na Bong Mal habang ang mga maliliit naman ay Tukay Mal. Ang mga maliliit na Tarsier ay klase ng tarsier na matatagpuan lamang sa rehiyon 12, ito ang klase ng tarsiers o mal na wala sa Visayas lalo na sa Bohol.
Ang mga Blaan noon ay naniniwalang ang mga mal noon ay mga tao din. Ang mga taong ito ay dinala ni Maleh (Panginoon) sa kalawakan upang mamasyal. Nang sila ay nasa kalangitan na, pinakain sila doon ni Maleh. Agad silang naghanap ng dahon na gagawing pinggan. Nakita nila ang dahon ng pine tree at sinubukang tupiin at gawing pinggan. Ngunit hindi nila ito nagawa dahil mahuhulog ang mga butil ng bigas na kanilang inillalagay sa loob nito. Kaya nagsimula silang magreklamo sa isa’t-isat. Ayon sa kanila, mabuti pa daw ang dahon sa lupa at nagagawa nilang pinggan. Nang ang mga reklamong ito ay umabot sa Maleh, agad silang hinulog sa lupa bilang parusa sa di-magandang asal na kailang ipinakita. Habang sila  ay bumubulusok pababa, tinapunan sila ni Maleh ng sandok, at ito’y dumikit sa kanilang mga puwit at naging buntot. Sila’y naging mga ungguy at mal. Ang iba sa kanila ay naging mga ibon sa gubat. Ito ang paniniwala ng mga Blaan sa mal.

Ang mga mal na ito ay hinuhuli ng mga mangagasong Blaan upang alagan. Hindi nila ito kinakatay at kinakain tulad ng ibang hayop na kanilang mahuhuli idahil nga sa paniniwalang ang mga ito ay kanilang mga ninunu na hinulog ni Maleh. Ang mga Blaan ay naniniwala na kung ang luha ng mal ay hnidi malinaw, ibig sabihin ikaw ay mamatay dahil sa katandaan o di kaya’y dahil sa sakit. Ngunit kung ang luha daw ng mal ay kulay pula, ibig sabihin nito ay mamamatay ka dahil sa matinding sakuna o di kaya’y may papatay sa iyo. At dahil sa paniniwalang ito ang mga katututbong Blaan noon ay hindi aalis ng bahay na walang dalang sandata bilang panangga sa kalaban o mga taong masasalubong sa daan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakadaling  pumatay ng mga katutubong Blaan noon dahil nanininwala silang sila’y papatayin ng kanilang makasalubong sa daan. Ngunit ang ganitong paniniwala sa ngayon ay tuluyan nang nawala sa mga katutubong Blaan dahil na rin sa paglaganap ng edukasyon, pakikipagkaibigan sa mga di-katutubong Blaan at pakikisalamuha sa iba pang pangkat etniko. Kung mayroon mang patayan sa ngayon sa mga katutubong Blaan ito ay dahil sa isyu ng lupa, mga ari-arian, at utang. Tapang at takot lamang ang naging bunga ng paniniwala ng mga katutubong Blaan sa luha ng mal. 
Sa ngayon, ang mal ay kabilang na sa tinatawag na endangered specie  dahil paunti nang paunti ang mga hayop na ito sa gubat. Sa Mt. Matutum, may mga mal na makikita dito ngayon ngunit ayon pa sa mga Blaan ang mga ito daw ay pag-aari ng mga engkanto.
Photo Courtesy of Louie Pacardo of AVLADA

Karamihan sa mga Blaan ngayon ay hindi na nakahiligan ang  pangangaso at wala na rin sa kanilang mga hilig ang paghuli at pag-alaga ng mal dahil sa hindi na ito makikita kung saan-saan at dahil na rin sa pagbabago ng paniniwala at pamumuhay ng mga bagong sibol na mga katutubong Blaan.